Pinoy Cargo Trucking Service Na May Murang Shipping Fee (2025)

Pinoy Trucking Service Na May Murang Shipping Fee

Trucking at delivery services ang isa mga laging serbisyo na kailangan ng mga pinoy cargo ngayon. Sa dami ng bagong negosyo online at offline, dumadami narin ang kargo at kalakal na dapat i-deliver o dalhin sa iba’t ibang lugar. Maganda na may available pinoy trucking service sa maraming lugar sa Pilipinas para maging “go-to” ng mga negosyo o indibidwal.

ArrayINSTANT QUOTELive Chat 24/7Live Chat 24/7

Basahin lamang ang mga sumusunod para mas lalong makilala ang Transportify bilang on-demand logistics company sa Luzon, Visayas at Mindanao na may murang shipping fee.

Ano ang “Pinoy Cargo”?

Ang “Pinoy cargo” ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng kalakal at produkto na karaniwang inihahatid sa buong Pilipinas, na tumutugon sa natatanging pangangailangan ng mga negosyo at indibidwal na mamimili. Ang terminong ito ay sumasaklaw sa malawak na hanay ng mga item, mula sa mga produktong agrikultural at mga yaring kalakal hanggang sa personal na mga gamit at imbentaryo ng komersyo.

Ang Transportify, isa sa mga nangungunang logistics providers, ay nag-customize ng kanilang mga serbisyo para matugunan ang partikular na pangangailangan ng mga negosyong Pilipino at mga mamimili, tinitiyak na ang lahat mula sa mga consumables na kalakal hanggang sa mga oversized na kagamitan ay maihahatid nang ligtas at mahusay.

Karaniwang Negosyo na Nagpapadala ng Pinoy Cargo Gamit ang Transportify

Dahil sa Transportify, maraming negosyo at indibidwal sa pamamagitan ng matibay nitong plataporma na nagkaroon ng mahusay at maaasahang transportasyon ng Pinoy cargo.

Napatotoo ito ng isang lokal na negosyo sa Cebu na nagdadalubhasa sa mga handicrafts ay nakapagpalawak ng kanilang abot sa merkado sa buong bansa sa tulong ng malawak na opsyon sa delivery ng Transportify.

Isa pang halimbawa ay ang isang gumagawa ng muwebles sa Pampanga na malaki ang nabawas sa gastos sa paghahatid at napabuti ang kasiyahan ng mga customer sa pamamagitan ng paggamit ng aming GPS tracking at mga real-time na update upang matiyak na on-time ang paghahatid.

Pinagkaiba ng Transportify sa mga Tradisyunal na Paraan ng Pagpapadala

Kung paghahambingin ang mga modernong logistics apps tulad ng Transportify sa tradisyunal na mga paraan ng pagpapadala ng pinoy cargo, napakaraming benepisyo ang kayang ibigay nito. Ilan lamang ang:

  1. Pasok sa budget dahil ang modelo ng pagpe-presyo ng Transportify ay nagpapahintulot sa mga kustomer na pumili ng mga opsyon na pinakabagay sa kanilang badyet at pangangailangan nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng serbisyo.
  2. Madaling app feature ng Transportify na mas nagpapadali ng mga proseso ng pag-book, iba’t ibang mga opsyon sa sasakyan, at kakayahang umangkop sa pag-iiskedyul.
  3. Real-time tracking ng Transportify na nagbibigay ng kapanatagan sa mga kustomer, na may mga real-time na update sa lokasyon at kalagayan ng kanilang mga kargamento. Ang antas ng pagiging bukas at kontrol na ito ay bihirang makamit sa tradisyunal na mga paraan ng pagpapadala, na ngayon ay mas pinadali at pinamura ng Transportify para sa paghahatid ng Pinoy cargo.

Ano Ang Pagkakaiba ng Makabagong Pinoy Trucking  Kumpara Dati?

Dahil sa pag-advance ng teknolohiya sa buong mundo, maraming proseso na ang nabago at napabilis nito. Isa sa magandang halimbawa ay ang naging epekto ng teknolohiya sa industriya ng logistics. Tuloy lamang sa pagbabasa para malaman mo kung ano ang pagkakaiba ng pinoy trucking services nuon at ngayon.

Pagkakaroon ng logistics apps

Kung dati kailangan mong pumunta sa mall, garahe ng mga sasakyan o terminal para makahanap ng pinoy trucking service, ngayon magagawa mo na ito sa pamamagitan ng internet. Hindi mo na kailangan pumunta sa branches, sa mga garahe o terminal. Gamit ang logistics apps, ikaw na mismo ang magbibigay ng schedule kung kailan mo gusto i-pick up ang iyong kalakal o kargo para sa door to door delivery.

Ito ang mga sasakyan ng Transportify na maaring niyong mapagpilian sa logistics app:

Vehicle TypeDimensions/
Weight Limits
Base Price
(Metro Manila)
Base Price
(Outside Metro Manila)
Base Price
(Visayas/Mindanao)
wing-van-iconWing Van 32 to 40 x 7.8 x 7.8 ft
12000kg to 28000kg
7000 PHP6500 PHP6500 PHP
6w-fwd-truck-icon6w Fwd Truck18 x 6 x 7 ft
7000kg
4850 PHP4850 PHP4850 PHP
closed-van-iconClosed Van10 to 14 x 6 x 6 ft
2000kg to 4000kg
1600 PHP1450 PHP1450 PHP
open-truck-iconOpen Truck10 to 21 x 6 ft x open
2000kg and 7000kg
2300 PHP1950 PHP1950 PHP
l300-van-iconL300/Van8 x 4.5 x 4.5 ft
1000kg
415 PHP374 PHP335 PHP
small-pickup-iconSmall Pickup5 x 5 ft x open
1000kg
418 PHP338 PHP325 PHP
light-van-iconLight Van5.5 x 3.8 x 3.8 ft
600kg
375 PHP292 PHP275 PHP
mpv-iconMPV/SUV5 x 3.2 x 2.8 ft
200kg
240 PHP210 PHP160 PHP
sedan-iconSedan3.5 x 2 x 2.5 ft
200kg
220 PHP190 PHP140 PHP

Mas tapat na presyuhan

Ang mga pinoy trucking providers dati ay nagbibigay ng quotation tuwing may request lamang. Ngayon, dahil meron ng mga logistics apps, kahit anong oras at nasaan ka naman maaari kang kumuha ng estimate o quotation. Naiiwasan din ang pagkakaroon ng additional, uncesesaary at hidden charges ngayon kumpara dati dahil mas kontrolado ng customers ang trucking services na gusto nilang makuha. Dahil dito nakakakuha ang mga customers ng trucking service na may murang shipping fee.

Same day delivery

Kung dati kailangan pa mag hintay ng 2-3 business araw bago dumating sa paruroonan ang mga kargo, ngayon ay kaya na ng makabagong pinoy trucking  providers ang door to door same day delivery. Kahit na mas mabilis ang proseso ngayon kaysa nuon, kadalasan mas mura ang shipping fee ng mga trucking services ngayon dahil sa tulong ng makabagong teknolohiya.

Real time tracking system

Kahit na may mas murang shipping fee ang pinoy trucking services ngayon, hindi ibig sabihin nito na bumaba ang kalidad ng serbisyo. Sa katunayan, may mga bagong features ang logistics services na dapat gamitin ng maigi ng customers para sa pag-mamanage ng mga deliveries araw araw. Halimbawa nito ay ang real time tracking system ng mga logistics apps. Gamit ito, makikita ng customers ang pagusad nang sasakyan na may dala ng kanilang kargo papunta sa destinasyon ng delivery. Nagkakaroon ng agarang updates ang mga customers na nakakatulong upang mapaghandaan nila ang pagdating ng delivery. Bukod dito, malalaman rin agad kung may vehicular problem ang sasakyan dahil ma-dedetect ng GPS system ang eksaktong lugar kung saan man huminto ang sasakyan.

SEE ALSO:

Pinoy Trucking Services Ng Transportify

Transportify ay isa sa mga makabagong pinoy truckers ngayon. Isa ito sa gumagamit ng logistics app para matulungan ang mga customers makahanap ng drivers sa mabilis at murang paraan. Kumpara sa ibang on demand pinoy truckers, isa ang Transportify sa may pinakamalawak na service area dito sa Pilipinas. Nagdedeliver ito saan man sa isla ng Luzon at Cebu. May opersayon rin ito sa Mindanao, sa probinsya ng Davao, General Santos at Cagayan De Oro. Maliban sa door to door same day delivery na may murang shipping fee, ito pa ang mga trucking services ng Transportify na maaaring niyong subukan:

Same Day Delivery (Long Distance)

Sakop ng Transportify ang buong isla ng Luzon, Cebu, Davao, General Santos, at Cagayan De Oro. Sa laki ng mga lugar na ito, hindi maiiwasan ang long distance padala. Kung kailangan mong magpadala mula Maynila hanggang Baguio o Baguio hanggang Maynila, maaari kang mag book sa Transportify at sigurado na darating ang kargo mo sa parehong araw ng pick up. Magandang trucking service ito para sa mga cargo na time-sensitive o yung mga kailangan na ma-deliver agad. Ang aming same day delivery service ay door to door at buong cargo space ng sasakyan ang pwede mong magamit.

Send Load (LTL) Service

Kung hindi makakapuno ng isang buong truck o sasakyan ang iyong kargo, pwede mong subukan ang aming Send Load service. Ibig sabihin nito, ang kargo na ipapadala mo ay may kasabay na ibang kargo hanggang mapuno ang kapasidad ng buong truck o sasakyan. Mainam ito na trucking service kung ikaw ay naghahanap ng mas murang shipping fee na door to door parin. Hindi ito hassle kagaya ng ibang consolidated package delivery dahil kami mismo ang kukuha nito sa tinakda mong pickup location. Available ang Send Load service ng Transportify sa buong Luzon at Cebu. Tandaan lamang na hindi ito kagaya ng same day delivery. Maaring abuting ng 1-3 araw ang pagpapadala gamit ang Send Load service na.

Interisland Trucking Service

Transportify lamang ang on-demand pinoy trucking service provider sa Pilipinas na nagbibigay ng ganitong klase ng serbisyo. Akma ang serbisyo na ito sayo kung may ipapadala ka na kailangan tumawid ng dagat at gumamit ng RORO ships. Door to door rin ang aming interisland na maaring mag pickup sa Luzon o Cebu papunta sa mga isla ng Visayas at Mindanao. Ilan sa mga sikat na destinasyon ng interisland ay ang mga isla sa Panay, Leyte, Mindoro, Davao, General Santos, at Cagayan De Oro. Ang presyo ng serbisyo na ito ay fixed priced na pwede mo agada makita sa aming logistics app.

Murang Shipping Fee sa Transportify

Nais ng Transportify mag bigay ng maganda at murang serbisyo sa mga Pilipino dahil alam namin ang importansya ng delivery operations sa mga negosyo. Tapat mag bigay ng presyo ang logistics app ng Transportify, walang hidden at unecessary charges. Kami ay nakakapagbigay ng murang shipping fee dahil hinahayaan namin ang customers na magdesisyon kung anong klase ng serbisyo ang nais nilang gamitin. Maaari silang bumuo ng booking na akma lamang sa takdang budget nila.

Magandang logistics solution sa mga negosyo ang pag gamit ng on-demand pinoy trucking services dahil madali kaming mahanap at mabilis kaming makakapag bigay ng serbisyo dahil internet lamang ang kakailangin mo para gumawa ng booking at magamit ang Transportify. Kung ikaw ay interesado sa aming Corporate Account for Business, maaari kang mag send ng email sa business@transportify.com.ph.

orDownload Transportify Icons

 

Kelvin Caro

Director

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More