Ilang taon na mula nang nagka-pandemya at sumulpot ang iba’t ibang online negosyo. Ang ilan ay mapalad na nakabalik sa dati nilang trabaho at ang iba naman ay mas pinili na ipagpatuloy ang kanila nang nasimulan na online negosyo. Dahil sa shift na ito, nagkaroon din ng epekto ito sa logistics at trucking sa Pilipinas.
Bakit Maraming Umuusbong Na Bagong Online Negosyo Sa Pilipinas?
Marami ang nauso habang halos ang lahat ay nasa loob lamang ng tahanan. Nagsimula ito sa uri ng pagtitimpla ng kape, pag-usbong ng mga home at indoor garden, at pagluluto ng iba’t ibang klase ng pagkain. Maraming rin tayong kababayan na kinuha ang pagkakataon na ito para pasukin ang pagnenegosyo sa Pinas.
Dahil sa iba’t ibang klase ng teknolohiya, napadali na ang pagsisimula ng sariling patok na negosyo nang hindi kinakailangan lumabas ng bahay. Malaki ang paglago ng e-commerce ngayong panahon ng pandemya. Nagkaroon ng iba’t ibang plataporma na maaaring gamitin para makapagbenta ng sariling online negosyo. Mayroon mga e-commerce sites katulad ng Shopee at Lazada. Marami din ang gumagamit ng social media katulad ng Facebook at Instagram para mapalawak ang pagbebentahan. Hindi mahirap pasukin ito sapagkat kinakailangan lang ng smartphone at internet connection para makapagsimula ng negosyo sa Pinas.
Ang maganda sa pagpasok sa online negosyo sa Pinas, hindi ka nililimitahan sa lugar ng pagbebentahan. Kahit taga-Baguio ka, kayang-kaya umabot ng produkto mo sa Maynila. Paano? Mayroong iba’t ibang padala service na pwedeng gamitin para sa iyong mapipiling negosyo tulad ng Transportify. Isa itong app-based padala service na maaring makapagpadala ng kargamento nationwide, sa mga lugar ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Maaring tignan ang aming mga sasakyan dito:
Vehicle Type Dimensions/
Weight LimitsBase Price
(Metro Manila)Base Price
(Outside Metro Manila) Base Price
(Visayas/Mindanao)Wing Van 32 to 40 x 7.8 x 7.8 ft
12000kg to 28000kg7000 PHP 6500 PHP 6500 PHP 6w Fwd Truck 18 x 6 x 7 ft
7000kg4850 PHP 4850 PHP 4850 PHP Closed Van 10 to 14 x 6 x 6 ft
2000kg to 4000kg1600 PHP 1450 PHP 1450 PHP Open Truck 10 to 21 x 6 ft x open
2000kg and 7000kg2300 PHP 1950 PHP 1950 PHP L300/Van 8 x 4.5 x 4.5 ft
1000kg415 PHP 374 PHP 335 PHP Small Pickup 5 x 5 ft x open
1000kg418 PHP 338 PHP 325 PHP Light Van 5.5 x 3.8 x 3.8 ft
600kg375 PHP 292 PHP 275 PHP MPV/SUV 5 x 3.2 x 2.8 ft
200kg240 PHP 210 PHP 160 PHP Sedan 3.5 x 2 x 2.5 ft
200kg220 PHP 190 PHP 140 PHP
Ano Ang Mga Maaaring Negosyo Sa Pinas?
Ano nga ba ang mga best negosyo online sa Pinas na maaaring pasukin? Marami tayong nakitang sumusulpot na small-medium enterprises (SME) ngayong pandemya dahil madali kumita sa mga ganitong negosyo. Alamin kung anu-anong mga negosyo sa Pinas ang maaaring pasukin.
Food
Ang pagbebenta ng pagkain ay isang negosyo sa mga panahon na ito. Dahil sa abiso ng gobyerno na manatili sa bahay, marami sa ating kababayan ang namimiss ang pagkain sa labas. Bahagi ng ating kultura ang pagkain sa mga mall at restawran kasama ang ating pamilya o mga kaibigan. Isa ito sa talagang hinahanap ng mga Pilipino sa mga panahong ito. Bilang kapalit, umusbong ang pagbebenta ng pagkain sa internet, lalong-lalo na sa social media.
Maaaring magbenta ng specialty food katulad ng iba’t ibang pagkain galing sa mga probinsya, o kahit kaya’t pagkain galing sa ibang bansa. Patok ng negosyo rin ang pagbebenta ng ready-made food na nakahanda kada pagkain, tulad ng meal prep na patok sa mga taong may pokus sa kanilang kalusugan. Magandang pasukin din ang pagbebenta ng baked goods. Dahil hindi nakakalabas ang mga tao, naghahanap sila ng matatamis na dessert.
Marami na rin okasyon ang lumipas habang lockdown. Mga kaarawan, anibersaryo, at pagtatapos ng pag-aaral ay mabilis na lumipas. Kapalit ng paglabas para magdiwang, marami ang pumili na manatili sa bahay at magpadeliver ng pagkain best negosyo online. Ang maganda sa pagbebenta ng pagkain ay madali itong ipadala. Maraming padala service ang maaaring gamitin para mapanatiling masaya ang mga customer. Halimbawa ng isang padala service ay ang Transportify na kayang magpadala ng cake ng walang inaalala.
Home Decor
Dahil hindi lumalabas ang mga tao, marami ang nagpapaganda ng kanilang mga bahay gamit ang home decor. Naging negosyo sa Pinas ang pagbebenta ng dekorasyon at kagamitan sa bahay, lalo na ang mga nilikha gamit ang kamay. Kung ikaw ay may talento sa sining, maaari kang pumasok sa best negosyo online na ganito. Marami ang bumibili ng ipinintang larawan, digital artworks, at mga produktong gantsilyo tulad ng macrame. Ang kagandahan sa mga negosyo na ito ay na pagkakakitaan mo ang iyong hilig.
Isa pang negosyo sa Pinas ngayon ay ang pagbebenta ng mga craft galing sa iba’t ibang probinsya. Uso ngayon ang pagbili ng mga placemat, kumot, at iba pang produkto na may tradisyonal na disenyo galing sa Mountain Province. Maaari din magbenta ng mga basket gawa sa abaka o rattan galing sa Bicol. Madali lamang ang pagpadala kahit gaano kalayo man ito sapagkat maraming padala service katulad ng Transportify na kayang magpadala sa kahit anong punto ng Pilipinas.
Ready-to-wear (RTW)
Isa sa mga gawain na hinahanap hanap ng mga Pilipino sa mga panahon na ito ay ang pag shopping. Kung ikaw ay may hilig sa fashion at kadamitan, maaari kang magsimula ng sariling online negosyo dito. Marami ang uri ng damit na maaaring ibenta depende sa iyong kagustuhan. Maaaring magsimula ukay-ukay, o magbenta ng ready to wear (RTW) na damit, o kaya’t magtahi ng damit para sa kliyente. Lahat ito ay kaya na gawing best negosyo online dahil sa makabagong teknolohiya na makakatulong sa atin.
SEE ALSO:
- Domestic Freight Companies for Interisland Logistics [New 2023]
- Roro Cebu | Transportify Interisland Truck Booking App
- What is a Third Party Logistics (3PL)?
Padala Service Para sa Iyong Umuusbong na Negosyo
Marami na ang mga application at online services na nagpapadali magsimula ng sariling negosyo sa Pinas. Marami na rin ang mga mapagkukunan ng mga ideya para sa iyong negosyo. Dati, kinakailangan pang isipin ang iba’t ibang bagay bago magnegosyo. Isa dito ang pag intindi sa pagpapadala at logistics. Importante ito lalo na sa online negosyo sa mga panahon na ito na hindi nakakalabas ng bahay. Dahil sa pag usbong ng teknolohiya, marami nang instrumento na ginagamit para mapadali ang pagsisimula ng iyong online negosyo.
Isa dito ang Transportify, isang padala service na maaaring gamitin para magpadala ng produkto patungo sa kahit anong punto sa Luzon, Cebu at Davao gamit ang intracity delivery at patungong Visaayas at Mindanao naman sa tulong ng interisland delivery. Dahil napakalawak ng mga customer na maabot sa social media, ang paggamit ng padala service ay mapapakinabangan mo. Ang Transportify ay mayroong iba’t ibang klase ng sasakyan na maaaring gamitin. Kung ikaw ay nagbabalak mag benta ng maliliit ng produkto, may Sedan, MPV/SUV at L300 o mga van na pwedeng gamitin. Kung malaki naman ang ipapadala, mayroong mga truck katulad ng Closed Van, Open Truck, at iba pa.
Transportify Corporate Account for Business
Maliban pa sa pagiging padala service, ang Transportify ay iyong kabalikat sa paglago ng iyong negosyo. Maaaring pumasok sa Transportify Business Program para magamit ang mga serbisyong ito:
- Monthly Post-Pay o ang pagbayad kada buwan
- Pre-pay Option
- Custom SOP
- Custom Service
- Goods Insurance hanggang P3 milyon
- Process Mapping
- Custom Equipment
- Dedicated Fleet
- COD and POD Option
Marami nang SMEs na gumagamit ng Transportify bilang trucking service. Kung ikaw ay interesado pumasok sa Transportify Business Program, maaaring magpadala ng email sa business@transportify.com.ph.
Subukan ang Transportify app! Maaaring iscan ang QR code sa ibaba o pindutin ang button kung saan gusto gamitin ang application, kung sa web app o sa mobile app.
or |
Frequently Asked Questions:
Ano ang benepisyo ng paggamit ng padala service para sa aking online negosyo?
🚚 Dahil nagsisimula palang ang iyong online negosyo sa PInas, maganda gumamit ng padala service na maaasahan. Hindi kinakailangan magtabi ng malaking bahagi ng puhunan para sa pagbili ng sariling kotse o truck. Mayroon din kakaibang features ang mga padala service katulad ng Transportify katulad ng live tracking ng delivery, 24/7 customer support, at iba’t ibang klase ng sasakyan na pwedeng pagpilian depende sa pangangailangan.
Paano magsimula ng online negosyo?
🚚 Madali lamang magsimula ng online negosyo. Alamin kung ano ang iyong mga interes, sapagkat maraming oras ang kailangan ibigay sa pagnenegosyo. Kinakailangan din mapag-aralan kung paano gumamit ng social media at internet. Alalahanin na dito ka makakakuha ng bibili ng iyong produkto. Kumuha ng mga magaganda ngunit makatotohanang litrato, at siguraduhing makakasagot sa mga katanungan at feedback ng iyong mga customer.