Marahil isa ka rin sa mga taong minsan ay nangarap na guminhawa ang buhay upang masiguro ang kinabukasan ng pamilya. Isa sa mga paraan upang mabilis na maabot ang mga ito ay ang pagtatayo ng negosyo. Ngunit maraming Pilipino ang pinang hihinaan ng loob sa takot na baka ma-bankrupt or malugi ang business na kanyang papasukin.
Sa totoong sabi, mahirap nga ang pagtatayo ng business. Nariyan ang kabi-kabilang requirements na dapat mong ayusin kagaya ng business permits, tax compliance certificates, at marami pang iba. Dagdagan mo pa ng paghahanap ng tao na tutulungan ka upang mapalago ang inyong business. Sa kabila ng mga points na ito, maraming Pilipino pa rin ang patuloy na nag venture na magtayo ng sariling pagkakakitaan.
Maraming benepisyo ang pagkakaroon ng negosyo. Mula sa pagkakaroon ng siguradong pagkakakitaan, pagiging free o paghawak ng sariling oras, pagkakaroon ng karagdagang skills at pagiging expert sa isang bagay. Ang article na ito ay magbibigay ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa pagnenegosyo, mga patok na negosyo ideas at kung paano makakatulong ang isang maaasahan, mabilis at murang delivery service provider sa inyong business operations.
Paano Magsimula ng Negosyo sa Pilipinas?
Sa panahon ngayon, lamang ang may alam lalo sa pagnenegosyo. Paano nga ba magsimula sa small negosyo ideas? Simple lang, kailangan pumili ka ng tamang negosyo, kailangan magsimula sa maliit, siguraduhin ang kalidad ng produkto o serbisyo at ugaliing unahin ang kapakanan ng customer kaysa sa sarili. Basahin ang sumusunod para sa mas maraming impormasyon.
Pumili ng Tamang Negosyo
Sa pagpili ng tamang negosyo, mas mainam na aralin ang pangangailangan ng mga tao at suriin kung anong produkto ang papatok sa inyong lugar. Kung ikaw ay may balak na magtayo ng negosyo, kumuha ka ng insights sa mga bagong products na pwedeng ibenta at siguraduhin na may maayos na kalidad at serbisyo lalo sa deliveries.
Mas maganda na swak sa iyong mga skills at expertise ang negosyong inyong papasukin upang hindi masyadong maging mahirap ang pag-hahandle nito.
Magsimula sa Maliit
Kung ikaw ay bago pa lamang sa mundo ng business, mas mainam na magsimula muna sa maliit upang malaman kung papatok ito. DIto mo malalaman at mas mapapag aralan ang bawat detalye ng iyong negosyo. Maari kang makapag adjust agad kung hindi angkop ang iyong strategy at magkaroon ng flexible option para sa bagong pamamalakad.
Kagaya na rin sa pagkakaroon ng murang delivery provider, mas mabuting bigyang pansin ang mga benepisyo na makakatulong sa iyong negosyo. Narito ang ilan sa mga useful perks ng Transportify Corporate Account for Business:
Siguraduhin ang Kalidad ng Produkto o Serbisyo
Mahalaga ang pagkakaroon ng high quality products at services sa isang negosyo. Siguraduhin na palaging dekalidad ang mga produkto at serbisyong inaalok sa customers upang maiwasan ang negative feedbacks at customer dissatisfaction. Laging tandaan na mahalaga ang magandang customer experience kasi mas tumataas ang chance ng customer retention or patuloy na pagtangkilik ng iyong produkto o serbisyo.
Hangga’t maaari, pumili ng maaasahan partners para sa iyong negosyo kasama na diyan ang delivery. Available na ang murang delivery service gaya ng Transportify na layunin ay matulungan ang dumaraming SMEs at malalaking kumpanya sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya o logistics technology.
Unahin ang Mamimili Bago ang Sarili
Ang mga suki niyo ang patuloy na bubuhay sa iyong negosyo. It is a must na bigyan natin sila ng pansin sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinakamagandang produkto o serbisyong kanilang kinakailangan. Maaari ninyong alamin ang kanilang pangunahing pangangailangan o kaya naman ay tanungin ng kanilang suggestions kung paano mas mapapabuti ang serbisyo ng iyong negosyo.
Malaking factor ang pagpapasaya sa inyong clients dahil sila mismo ang mag rerecommend ng iyong negosyo sa ibang taong kakilala nila.
Best Negosyo Ideas sa Pilipinas
Kung ikaw ay nag iisip ng negosyo ideas, mabuting basahin ang sumusunod. Ito ay mga naka-grupo base sa laki ng puhunan na kailangan mong ilabas at kung paano ka mas matutulungan ng isang murang delivery service sa pagpapalago nito.
1Negosyo ideas na may kapital na Php 10,000 at pababa
Karaniwang mga negosyo na nangangailangan ng mababang kapital ay ang pagtatayo ng lugawan o gotohan, kakanin business, cellphone load retail business, healthy meal delivery service, pagtatayo ng iba’t ibang stall gaya ng halo-halo at fruit shake.
Paano makakatulong ang Transportify: May mga negosyong maliit ang kapital na nangangailangan ng delivery partner. Angkop dito ang sedan o MPV/SUV ng Transportify na may option ng multiple drops lalo na sa maramihang orders muna sa customers na iba’t iba ang address. Makasisiguradong safe at secure ang deliveries gamit ang sedan at MPV kumpara sa mga motorsiklo.
2Negosyo ideas na may kapital na Php 50,000 at pababa
Pasok sa bracket na ito ang mga street food business, carinderia/canteen/eatery business, home-based baking business, meat processing business, vulcanizing shop, tailoring/alteration services, at indoor plant business.
Paano makakatulong ang Transportify: Usong uso ang online shops sa panahon ngayon. Majority ng negosyo ideas na pasok sa bracket na ito ay pwedeng magbenta online. Depende sa dami at laki ng orders ng iyong negosyo idea, maaaring gamitin ang sedan, MPV/SUV at L300 Van ng Transportify. May option rin na COD o Cash on Delivery kung nag request ang customer ng ganitong option.
3Negosyo ideas na may kapital na mas mataas sa Php 50,000
Kasama sa bracket ng negosyo ideas na ito ay ang rice business, cash wash business, online clothing shop, online thrift shop, videoke machine rental, printing services, water refilling station business, catering business, at iba’t iba pang patok na negosyo ideas na ginagamitan ng murang delivery service provider.
Paano makakatulong ang Transportify: Kung ikaw ay may malakihang orders ng iyong produkto, maaaring mag-book ng truck sa Transportify. Ito ay nakadepende sa pangangailangan at oras ng delivery. Pwedeng gamitin ang Closed Van, Open Truck, 6w Fwd truck, at 10W Wing Van. Maaaring i-schedule ang deliveries hanggang two weeks in advance.
Transportify: Murang Delivery Service Para Sa Negosyong Pinoy
Isa ang Transportify sa murang delivery service at logistics business service sa negosyong Pinoy. Dumarami ang mga bagong negosyanteng nakikita ang kahalagahan ng pagpili ng kanilang delivery partner. Ang maayos na serbisyo at mababang rates ay malaking factor sa isang pagiging reliable delivery service.
Ang Transportify ay mayroong iba’t ibang vehicles na angkop sa mga negosyo tulad ng hardware, pastry shops, furniture shops at iba pa. Kilala na ang Transportify sa Pilipinas bilang pangunahing provider ng trucks at maliliit na sasakyan gamit lamang ang application. Para sa iyong kaalaman sa vehicles at services ng Transportify, maaaring bisitahin ang aming website upang malaman ang updated Transportify rates para sa 2023.
Kung ikaw ay interesado sa Transportify bilang murang delivery service partner ng iyong negosyo, maaaring i-scan ang QR Code or i-click ang button na makikita sa ibaba:
or |
Frequently Asked Questions:
Sino ang nangungunang murang delivery service provider sa Pilipinas?
🚚 Depende ito sa items na ipapadeliver niyo. May mga traditional delivery partners pa rin na tumatanggap ng requests mula sa customers ngunit ito ay dumadaan sa mas mahabang proseso at kadalasan ay mayroong mataas na presyo. Kung ikaw ay bagong business at naghahanap ng murang delivery service, maaari kang magbook using Transportify App. Maraming vehicle options para sa iba’t ibang pangangailangan at mas mababa ang rates kumpara sa average market price ng delivery vehicles.
Ano ano ang mga logistics provider na nagbibigay serbisyo sa mga negosyo sa Pilipinas?
🚚 Maraming logistics provider ang may kakayahang mag serbisyo sa mga negosyo sa Pilipinas. Nariyan ang mga kumpanya tulad ng LF Logistics, DHL Supply Chain, F2 Logistics at Ernest Logistics na kadalasan ay tumatanggap ng deliveries para sa malalaking kumpanya. Kung ikaw ay nagsisimula pa lamang at naghahanap ng murang delivery service, swak dyan ang Transportify. Bukod sa mababang presyo, panigurado ng ang drivers ay well-trained sa paghahanda ng iba’t ibang klaseng produkto na kailangan i-transport. Tiyak na tipid at mayroong kapanatagan ang iyong deliveries sa Transportify.
Ano ang benepisyo ng pagkakaroon ng maaasahan at murang delivery service para sa mga bagong negosyo ideas sa Pinas?
🚚 Una sa listahan ang pagkakaroon ng mas mababang delivery rates na tiyak na malaking tulong sa nagsisimulang business. Dagdag pa dito ay ang pagkakaroon ng enhanced customer satisfaction dahil sa mas mabilis at magandang serbisyo. Makasisiguradong safe at secure rin ang items or packages na iyong ipapadeliver dahil karaniwan sa mga driver sa kasalukuyan ay well-trained sa anumang sitwasyon. Kaya’t maging handa sa mga negosyo ideas at pumili ng maayos na partner sa deliveries.