Pagpapadala Ng Mabigat Na Kargo Gamit Ang Roro (Roll On Roll Off)

Pagpapadala Ng Mabigat Na Kargo Gamit Ang Roro (Roll On Roll Off)Ang buong bansa ay umaasa sa mga kalsada at highways upang magdala ng produkto sa malalayong lugar. Halimbawa, ang mga highways ay ginawa upang ang mga delivery truck at motorista ay makabyahe nang walang istorbo. Ngunit paano naman ang mga requirements sa mga lokasyong malalapit sa katubigan? Sa ganitong mga pagkakataon, kailangan mo ng isang roro (roll on roll off) vessel. Ang mga barkong ito ay may kakayahang magdala ng maraming trucks at maliit na sasakyan at ihatid ang mga ito mula sa isang isla patungo sa isa pa. Kaya, mahalaga ang roll on roll off heavy freight shipping para sa isang archipelagic country tulad ng Pilipinas.

ArrayINSTANT QUOTELive Chat 24/7Live Chat 24/7

Freight forwarder logistics operations ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa. Nagbibigay daan ito na magkaroon ng mga commercial activities kagaya ng trading. Hindi lamang nakikita ang kanilang kahalagahan sa macro scale kundi pati na rin sa pang araw-araw na gawain ng mga negsoyo, malaking kumpanya man o SMEs (Small and Medium enterprises). Ang mga negosyo na ito ay nangangailangan ng heavy freight shipping services upang suportahan ang kanilang supply chain operations, ito man ay para sa inbound o outbound logistics.

Para sa isang arkipelago na bansa tulad ng Pilipinas, hindi maiiwasan ang paglipat ng produkto ng tawid dagat. Habang lumalaki at lumalawak ang mga negosyo, kailangan rin nilang dalhin ang kanilang produkto sa ibang lungsod. At dito sa ating bansa, sa mga malalaking lungsod tulad ng Metro Manila, Cebu, Iloilo at Davao ay pinaghihiwalay ng tubig. Kaya naman, importante para sa isang negsoyo na magkaroon ng service logistics mula Luzon hanggang Visayas at Mindanao, kailangan ang roll on roll off heavy freight shipping. Ituloy ang pagbabasa para malaman kung pano sinasagawa ang interisland kargo shipping operations.

Ano Ang Roro (Roll on Roll off) Heavy Freight Shipping?

Ang roro freight shipping ay nagsimula bilang isang “train ferry” noong 1800s at umunlad kalaunan sa paggamit ng militar noong mga digmaang pandaigdig. Sa ngayon, ang roll on roll off heavy freight shipping ay simpleng tinutukoy bilang pagkarga sa isang barko ng mga delivery truck at pagdadala sa kanila mula sa port A hanggang port B.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), ang roro transport ay isang klase ng marine transportation kung saan ang mga kargo ay may kakayahang mag-load at unload mula sa barko sa pamamagitan ng horizontal movements, na kayang gumalaw sa sarili nitong mga gulong. Dahil dito, malinaw na ang roll on roll off shipping ay ang pagmamaneho ng sasakyan sa roll on roll off na barko at pagkatapos ay i-drive ito palabas kapag nakarating na ito sa destination port.

Kaya, kung gusto ng isang kumpanya na magpadala ng mga produkto mula Metro Manila hanggang Cebu, roll on roll off heavy freight shipping ay ang best option dahil kaya nitong magpadala ng malalaki at mabibigat na produkto sa isang single delivery.

Halimbawa, ang isang furniture company na nakabase sa Maynila ay gustong maghatid ng multiple units ng mga cabinet sa showroom nito sa Cebu. Sa halip na sila mismo ang gumawa ng interisland kargo shipping delivery, maaari nilang i-outsource ang prosesong ito sa 3PL (third party logistics providers) kagaya ng Transportify.

Ang mga 3PL provider na ito ay maaaring pumunta sa iyong bodega, i-load ang mga item sa kanilang truck, maglakbay sa seaport at isakay sa barko. Pagkatapos dumaong ang barko sa Cebu port, ang truck ay makakarating sa iyong showroom sa Cebu kung saan ihahatid ang mga cabinet. Sa paggamit ng mga 3PL provider, hindi na kailangang mag-alala ng furniture company sa kanilang sariling interisland heavy kargo shipping operations.

Ang Transportify, isang app based trucking company ay mayroong interisland delivery service para matugunan ang lumalaking demand para sa logistics solution na ito. Sa pamamagitan ng roro heavy freight shipping service, kakayanin ng Transportify ang mga logistics requirements sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Bakit Kailangan Gamitin Ang Roro Para Sa Pagpapadala Ng Mabigat Na Kargo?

Bilang isang arkipelago, hindi maiiwasan na ang produkto ay kailangan dumaan sa isang “body of water”. Dahil ang mga importanteng economic hubs ng Pilipinas ay nakakalat sa iba’t ibang isla, ang interisland transport gamit ang isang barko ay isang pangangailangan para sa bansa. Bukod sa panghakot ng heavy freight kargo papunta at pabalik sa iba’t ibang isla, ginagamit din ang roro shipping bilang paraan ng transportasyon ng mga tao.

Ipinapakita sa ibaba ang delivery truck pricing ng Transportify para sa interisland logistics:

Ang listahan sa ibaba ay nagpapaliwanag kung bakit ang paggamit ng interisland shipping operations ay isang magandang pagpipilian para sa paglipat ng mga produkto at produkto sa iba’t ibang island groups.

Isang maginhawang paraan ng pagpapadala ng mga kalakal

Gaya ng iba pang logistics solution, ang convenience ang pangunahing isinasaalang-alang. At ang interisland shipping service ay maraming maiaalok kung convenience ang pinag-uusapan. Una, kailangan mo mag-load ng isang delivery truck para sa iyong mga produkto for shipment. Pagkatapos, maari mo na itong dalhin sa port at vessel. Tapos, ang vessel ay makakaalis na ng port upang maglakbay patungo sa destinasyon. Kapag nakarating na ito sa port of arrival, madaling makakaalis ang delivery truck mula sa roll on roll off vessel at papunta sa huling destinasyon.

Sa scenario na inilarawan sa taas, madaling makita na ang mga interisland deliveries via roro ay nagbibigay ng maraming convenience. Una sa lahat, hindi mo na kailangang mag-schedule ng isang truck upang madeliver ang produkto mula sa pinanggalingan at isa pang truck upang kunin ang mga produkto mula sa port of arrival. Ang truck na iyon ay kayang i-fulfill ang mga delivery requirement mula end to end, iyon ay ang mula sa source hanggang sa huling destinasyon.

Higit pa rito, hindi na kailangang mag-unload ng produkto galing sasakyan kapag ito ay nasa loob na ng barko. Ang mga produkto ay siguradong ligtas sa loob ng delivery truck sa buong panahon ng delivery.

Mas mahusay na kakayahang para ma-manage ang deliveries

Dahil ang interisland heavy freight shipping ay mainam para sa mga negosyo, paniguradong ang isang company ay mas flexible dahil sa mga delivery method nito kapag gamit nila ang interisland delivery.

Dahil kayang ma-control ng customer ang booking remotely gamit lamang ang app, pwedeng ma-edit ang booking at magdagdag ng ibang destinasyon ayon sa kailangan ng negosyo. Halimbawa, ang isang interisland shipment mula Maynila hanggang Iloilo ay dadaan sa Batangas. Kaya naman, maaaring samantalahin ng isang company ang pagkakataong ito na mai-supply ang fulfillment center nito sa Batangas sa pamamagitan ng paggamit ng Manila to Iloilo interisland shipping route.

Abot kayang presyo

Hindi malilimutang kabilang sa mga dahilan ng paggamit ng interisland heavy freight shipping ay ang gastos. Kung ihahambing natin ang kargo capacity na maaaring dalhin sa pamamagitan ng roro shipment laban sa air freight solutions, malinaw na ang interisland heavy freight delivery ay ang mas murang option. Ang option na ito ay nagbibigay-daan sayo na mailipat ang malalaki at mabibigat na produkto gamit ang isa o maraming trucks sa abot-kayang presyo. Kung ikukumpara naman ang air freight, may strict limit ang kargo capacity dito ng produkto na pweden lamang i-transport.

Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa Transportify at ang mga interisland shipping services nito, maaari mong bisitahin ang aming website o i-download ang aming application sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code at pag-click sa button sa ibaba:

Pagpapadala Ng Mabigat Na Kargo Gamit Ang Roro (Roll On Roll Off) QRorDownload Transportify Icons

Frequently Asked Questions:

Anu-ano ang mga karaniwang ruta ng roro (roll on roll off) sa Pilipinas?

🚛 Karamihan sa mga pangunahing lungsod sa Pilipinas ay matatagpuan sa iba’t ibang isla kung kaya’t ang pagpapadala gamit ang roro ay isang pangangailangan. Ang ilang karaniwang ruta sa pagpapadala ng roro ay Manila papuntang Iloilo, Manila sa Cebu at Manila sa Davao. Ang iba pang karaniwang ruta ng roro sa lugar ng Visayas at Mindanao ay ang Iloilo hanggang Cebu, Davao hanggang Cebu at San Carlos hanggang Toledo.

Ano ang roro (roll on roll off) shipping?

🚛 Ang roll on roll off shipping ay isang logistics solution kung saan ang mga delivery truck, na puno ng mga produkto, ay inilalagay sa isang roro vessel. Kapag nakarating na ang sasakyang pandagat sa destinasyon nito, ang delivery truck ay papalabas na lamang ng barko at papunta sa huling destinasyon na kadalasan ay isang bodega o fulfillment center.

Noel Abelardo

Deputy Country Director

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More