Dito sa Transportify, importante na alam ng mga customer ang aming presyo at serbisyo. Nabubuo ang tiwala ng customer dahil alam nila na transaparent at tapat ang mga presyo mula sa Transportify app. Bukod dito, nakakatulong din ang maatas na client awareness para alam agad ng customer ang serbisyo na para sakanila at sa ganitong paraan, mas napapadali ang proseso ng pag-book. Maliban sa mga sedan, MPV, L300 at van, meron din mas malalaking sasakyan ang Transportify kagaya ng 4 wheeler closed van at 6 wheeler closed van.
Anong Mga Closed Van Ang Pwedeng I-rent Sa Transportify App?
Gusto mo bang malaman kung saan pwedeng makarenta ng closed van? Basahin ang nasa ibaba upang malaman ang aming mga available na closed van para sa iyong delivery at iba pang pangangailangan pang logistics.
Vehicle Type | Base Price (Metro Manila) | Base Price (Everywhere Else in Luzon) | Base Price (Visayas/Mindanao) |
---|---|---|---|
6w Fwd Truck 18 x 6 x 7 ft 7000kg | 4450 PHP | 4320 PHP | 4800 PHP |
Closed Van Extra Load 4000kg 10 to 14 x 6 x 6 ft 4000kg | 2700 PHP | 2550 PHP | 2350 PHP |
Closed Van Extra Load 3000kg 10 to 14 x 6 x 6 ft 3000kg | 2400 PHP | 2120 PHP | 1950 PHP |
Closed Van Regular 2000kg 10 to 14 x 6 x 6 ft 2000kg | 1600 PHP | 1450 PHP | 1450 PHP |
Elf at Canter
Alam ng aming mga kliyente na madalas sa aming Fleet & Pricing page na mayroon dalawang truck models na napapabilang sa closed van ng Transportify. Ito ay Elf at Canter. Ang mga modelo ng closed van na ito ay may apat hanggang anim na mga gulong.
Ayon sa carused.jp, isang Japanese website para sa Japanese-made cars, ang mga Isuzu Elf truck ay madaling gamitin, at may light engine noise. Ang mga ito ay mayroon din matibay at matigas na upuan. Sa kabilang banda, ang mga Mitsubishi Canter truck naman ay may napakatibay na makina, solid engine noise, at mga komportableng upuan.
Laki at Weight Capacity
Ang mga 4 wheeler closed van ay kilala na may malawak na espasyo. Ito ay may kakayahang magdala ng 31 na extra large na balikbayan boxes, na halos katumbas ng isang sala set na binubuo ng sofa at armchairs. Kaya rin nito ang maximum weight na 2000 kilo. Kung kailangan mo pa ng karagdagang espasyo, maaari mo ring gamitin ang extra space service para makuha ang 6 wheeler closed van na kayang tumanggap ng mga package na katumbas ng 62 extra large na balikbayan boxes, espasyo na sing laki ng King Size bed.
Tapat at Abot-Kayang Presyo
Ang presyo ng aming standard price para sa 4 wheeler closed van ay nagsisimula sa 1885 PHP. Available rin ang aming extra services na nagkakahalagang 100 PHP kada bagong destinasyon. Ang pag-upgrade sa 6 wheeler closed van ay nagkakahalaga ng 300 PHP, at kailangan mong lagyan ng tsek ang extra space option para sa Extra Space. Mayroon opsyon para sa Extra Helper ang nakahandang tumulong para sa pag-bubuhat ng gamit. Maari kang magdagdag nito sa halagang 200 PHP.
Buong Araw na Booking (Full-Day)
Ang flat price para sa pag-rent ng closed van sa Transportify para sa isang buong araw ay 6000 PHP. Sakop na nito ang sampung oras na serbisyo at unlimited na pick-up at drop-off sa loob ng Standard Service Area. Kung lalampas sa sampung oras ang iyong Full Day booking, may overtime fee na ito na 150 PHP kada isang oras. Tandaan na ang pinakamatagal na overtime ay hanaggang anim na oras lamang. Para sa serbisyo ng Extra Helper, mayroong isang kasama ang booking, at ang pag-avail ng pangalawang Extra Helper ay nagkakahalaga ng 400 PHP.
Hindi mo na rin kailangang mag-alala sa destination limit. Ang Full Day ay nagbibigay sa mga client ng unlimited stops hangga’t ang mga destinasyon ay sakop ng Standard Service Area. Para sa mga destinasyon sa labas ng Standard Service Area, maaari kang makipag-ugnayan sa aming customer support para sa mga katanungan.
Benepisyo
May benepisyo ang pag-book sa aming mga delivery closed vans. Una, mainam ito para sa mga malalaki at mabibigat na appliances o muwebles tulad ng two-door refrigerators at four-poster beds. Isa pang kainaman nito ay may kasama na itong isang Extra Helper agad para tumulong sa pag-bubuhat. Hindi masyadong hadlang ang truck bans sa ating mga delivery-driver partners dahil sila ay trained na makahanap ng pinakamabilis na alternative route.
Sa Transportify, tinitiyak namin na may sapat na supply ang aming mga closed van para ma-fulfill ang aming pangako na bigyan kayo ng best trucking & delivery services na may 40% savings sa Pilipinas.
SEE ALSO
- Closed Van For Delivery Service (40% Savings)
- Moving Van | Closed Van Truck For Hire (40% Savings)
- Heavy Truck Forwarding Business | 6w Forward Truck
Saan Ginagamit Ang 4 Wheeled at 6 Wheeled Na Mga Closed Van?
Ang closed van for rent ng Transportify ay isang flexible service na tumutulong sa iba’t ibang pangangailangan, negsosyo man o pang personal na delivery. Ang mga uri ng sasakyan, laki at bigat, extra services, at pricing options ay ang dahilan upang mabigyan ka ng maayos at magandang experience. Tingnan natin ang pag-kakaiba ng 4 wheeler at 6 wheeler closed van mula sa dalawang magkaibang pananaw: ang pang-negsosyo at pang-personal.
Gamit para sa mga negosyo
Ang pagpapatakbo ng iyong sariling negosyo ay laging may operational at logistical expenses. Maraming mga overhead costs sa pagsisimula ng isang negsosyo na makakabawas sa iyong profit margin tulad ng pagdagdag ng isang kotse o in-house delivery, lalo na kung ikaw ay isang small to medium enterprise. Bago mo isaalang-alang ang paggawa ng iyong delivery workflow, pag-isipan ang pagkuha ng third-party service.
Walang kailangan problemahin ang mga negsosyo na kailangan mag-handle ng malalaki at mabibigat na produkto dahil may Extra Helper na upang ma-deliver ang mga ito ng ligtas mula sa warehouse. Ang fragile deliveries ay makakarating ng ligtas dahil may sapat na kamay upang mabitbit ito nang hindi nababagsak o kinakaladkad.
Gamit para sa mga pang personal na delivery
Hindi lamang ang mga local na negsosyo ang gumagamit ng mga closed van ng Transportify. Para sa mga indibidwal, madalas nilang kailangan ng lipat bahay services o moving services. Kadalasan, ang mga indibidwal na ito ay walang naangkop na sasakyan para sa paglipat ng malalaking kagamitan. Kaya naman nagiging go-to na nila ang Transportify.
Ito rin ay isang magandang opsyon para sa mga pamilyang papaaralin ang kanilang mga anak na malayo sa kinalakihang bahay ngunit ayaw mag-invest sa bagong muwebles at appliances para makaiwas sa dagdag gastos.
Dahil sa busy schedules, hindi mo na kakailanganing hintayin ang tulong ng iyong pamilya at mga kaibigan. Sa pamamagitan ng aming mga extra services, tiyak ay makakagawa ka ng delivery service na akma sa iyong pangagailangan.
Customer transparency
Ang standout perk ng Transportify booking ay customer transparency. Lahat ng mga gatos ay maaaring makita ng customer sa app, at walang hidden fees hindi kagaya sa ibang truck rentals. Kaya naman mas makakatipid ka sa Transportify closed van ng 40%.
Isyu sa delivery closed van ay maaaring matugunan kaagad sa tulong ng 24-hour customer service line. Hindi mo kailangan maghintay ng mahigit sa tatlo o higit pang araw para maproseso ang iyong concern. Ang kakayahan magbigay ng quick response ay nangangahulugang mayroong real-time solutions ang logistics company. Dahil dito mas mataas ang tsansa na magkaroon ka ng maayos na booking experience.
Ang customer service ay hindi limited sa mga problema sa kalsada. Matutulungan ka din nitong malaman ang best option sa iyong mga delivery. Bigyan sila ng detalyadong impormasyon at timbangin ang mga pros at cons ng iba’t ibang sasakyan at extra service.
Maaaring ang Transportify na ang iyong next partner kung kailangan mo ng sasakyan para sa negsosyo. Lahat ay may pagpipilian. I-download ang app sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code o i-click ang mga buttons sa ibaba:
or |
Frequently Asked Questions:
Ano ang size ng 4 wheeler closed van?
🚚 Ang standard na laki ng 4 wheeler closed van ay 10 ft x 6 ft x 6 ft. Kung ikaw ay mag-rerent ng Transportify closed van, siguraduhin na alam mo ang bigat ng mga ikakarga para malaman mo din kung aabot sa maximum capacity ng sasakyan ang bigat ng kargo mo. Ang load limit ng closed van sa Transportify ay 2000kg, 3000kg, at 4000kg. Depende sa bigat ng kargo mo, may akmang sasakyan ang Transportify para sayo.
Ganong kabigat ang kayang i-deliver ng 6 wheeler closed van?
🚚 Kagaya ng 4 wheeler closed van, may mga sasakyan ang Transportify na kayang magkarga ng hanggang 2000kg, 3000kg, at 4000kg. Ang mga ganitong closed van ay kadalasan ginagamit sa mag-transport ng mas malalaking gamit kagaya ng pridyider, kama, sala set, dining table, mga cabinet, at marami pa.