Nakasanayan na ng mga Filipino ang mag shopping at tumaas ang spending tuwing nalalapit na ang pasko. Isa sa mga dahilan ay ang mga kaliwa’t kanan na holiday sales simula palang sa buwan ng Septiyembre. Kung tawagin ito ng karamihan ay “christmas rush“. Bilang may ari ng negosyo o kung manager ng isang negosyo makakatulong kung paghahandaan niyo ng maaga pagtaas ng demand na kadalasang nasisimula pagpasok ng BER months.
Malawak ang epekto ng christmas rush sa bansa. Kung ang negosyo niyo ay kabilang sa food service, asahan niyo na dadami ang mga food deliveries sa paparating na kapaskuhan dahil sa mga handaan kagaya ng Christmas party. Kung ikaw naman ay namamahala ng negosyo online, tiyak na maraming Filipino na ang mga naka abang sa inyong mga item sales.
Bilang tagapamahala ng negosyo, makakatulong sa paghahanda kung may sapat na kaalaman ka kung gaano karami ang inyong inaasahang costumer sa mga panahon ng BER months. Nais ng Transportify sa pamamagitan ng sulatin na ito na bigyan kayo ng negosyo tips kung anu-ano ang mga dapat niyong ihanda sa papalapit na christmas rush at pagdami ng holiday deliveries.
Anu-Ano Ang Mga Dapat Gawing Paghahanda Para Sa Christmas Rush?
1. Gumawa nang maayos na imbentaryo para sa produkto
Unang una sa listahan ng negsoyo tips ng Transportify ay ang siguraduhin na tama ang bilang ng mga produkto na inyong nilagay o ilalagay sa website o tindahan. Hindi magiging maganda ang resulta sa customer kung maglalagay ka ng mga produkto sa website na wala naman para dito.
Maliban sa tamang bilang ng produkto, maaari mo rin iplano kung ilan lamang ang produkto na iyong ilalabas kada partikular na araw. Mabisa itong paraan para masiguro mo na lahat ng orders sa araw na iyon ay iyong maproproseso. Maglabas lamang ng produkto ayon sa kakayahan ng iyong operasyon.
2. Maghanap ng 3PL para sa iyong holiday deliveries
Kalimitan sa mga negosyo online ay mayroong partner na third party logistics para masuportahan ang negosyo sa aspeto ng deliveries. Dahil inaasahan ang pagdami ng mamimili tuwing christmas rush, dapat narin asahan ang pagtaas ng holiday deliveries. Sa mga panahon na ito hindi maiiwasan na magkaroon ng pagkaantala sa deliveries sa kadahilanan ng traffic, kakulangan ng sasakyan at marami pang iba.
Transportify Corporate Account Para Sa Mga Negosyo
Pero maaari kang matulungan ng 3PL na kagaya ng Transportify para masiguro na darating ang produkto sa inyong kostumer sa oras na kailangan nila ito. Maigi narin kung ang 3PL na iyong makukuha ay kayang mag-deliver ng maramihan para masulit mo ang bayad sa isang booking. Narito ang mga sasakyan na maaari mong i-book gamit ang Transportify:
Vehicle Type Dimensions/
Weight LimitsBase Price
(Metro Manila)Base Price
(Outside Metro Manila) Base Price
(Visayas/Mindanao)Wing Van 32 to 40 x 7.8 x 7.8 ft
12000kg to 28000kg7000 PHP 6500 PHP 6500 PHP 6w Fwd Truck 18 x 6 x 7 ft
7000kg4850 PHP 4850 PHP 4850 PHP Closed Van 10 to 14 x 6 x 6 ft
2000kg to 4000kg1600 PHP 1450 PHP 1450 PHP Open Truck 10 to 21 x 6 ft x open
2000kg and 7000kg2300 PHP 1950 PHP 1950 PHP L300/Van 8 x 4.5 x 4.5 ft
1000kg415 PHP 374 PHP 335 PHP Small Pickup 5 x 5 ft x open
1000kg418 PHP 338 PHP 325 PHP Light Van 5.5 x 3.8 x 3.8 ft
600kg375 PHP 292 PHP 275 PHP MPV/SUV 5 x 3.2 x 2.8 ft
200kg240 PHP 210 PHP 160 PHP Sedan 3.5 x 2 x 2.5 ft
200kg220 PHP 190 PHP 140 PHP
Dahil sa pagkakaroon ng internet at mga ecommerce website, karamihan sa mga costumer ngayon ay nagnanais ng mabilis na transaksyon. Ayon sa mga pagaaral, isa sa mga tinitignan ng mga kostumer ay kung gaano kabilis makakarating ang produkto sa kanila bago nila ito bilhin. Kahit lumipas na ang dagsa ng holiday deliveries at christmas rush, makakatulong parin ang 3PL para suportahan ang negosyo mo sa pangaraw araw na deliveries. Sa pag gamit ng 3PL hindi mo kailangan bumili ng sasakyan para magamit sa mga delivery, hindi mo rin kailangan mag asikaso ng maintainance ng sasakyan pati narin mamahala ng mga driver. Sa paraang ito malaki ang iyong matitipid na pwede mo magamit sa ibang aspeto ng iyong negosyo.
3. I-schedule ang mga sale at promo kahit bago ang pasko
Napatunayan na ng panahon ang pagdagsa ng mamimili tuwing sasapit ang pasko. Bilang isang negosyo kailangan mo maplano ang mga araw ng sale at promo ng sa ganoon ay makita mo ng kabuuan kung anong mga araw mo pwedeng asahan ang pagdagsa nag mamimili. Magiging mabisa ito para maigi kang makapagayos ng mga stock, delivery at iba pa. Kung promo ang nakakaakit sa mga mamimili, ito ang pwede mong gawing lakas para gumawa ng sarili mong demand ayon sa iyong kakayanan.
4. Gumamit ng technolohiya sa iyong kapakinabangan
Bilis, ito ang isa sa pinakaimportante na katangian meron dapat ang mga negosyo, lalo na kung ito ay online. Bilis sa pag-restock ng imbentaryo, bilis sa pagproseso ng order, at bilis sa pag-deliver ng mga ito. Ito ay magiging posible lamang kung ang negosyo mo ay gagamit ng tehnolokiya. Marami na ngayong mga application at software na maaaring magamit para mpaabilis na imbentaryo ng produkto.
May mga on demand delivery apps narin na kagaya ng Transportify na pwede mong magamit mula sa iyong smartphone at komputer. Marami ng paraan para mas maging mabilis ang proseso para sa mga negosyo ngayon, nasasaiyo ito bilang manager o may ari kung alin sa mga ito ang akma sa pangagailanagan ng opersayon mo.
5. Paghandaan ang mga return item
Isa ito sa pinakaimportante na negosyo tips na nais ibahagi ng Transportify. Normal sa negosyo ang pangyayari kung saan magrereklamo ang mga costumer, at dapat lalo itong asahan sa mga panahon ng christmas rush. May mga pagkakataon na maaaring humiling ang costumer na ibalik ang produkto o palitan ito.
Sa mga ganitong pagkakataon, maigi na magkaroon ka ng maayos na plano para maresolba ito at maiwasan pa na lumawak ang problema sa iyong costumer. Maigi na magkaroon ka ng sistema kung paano mo gagawin ang pagbawi ng produkto mula sa iyong costumer. Maaari mo ipagawa ito sa iyong makukuha na 3PL bilang parte ng pagaayos ng holiday deliveries. Importante na maging masaya ang ckostumer sa iyong magiging kabuuan na serbisyo kaya ang proseso na ito ay hindi dapat makalimutan ng mga negosyo.
SEE ALSO
- Nationwide Delivery Services of Transportify (Interisland)
- Cebu Delivery App For Business {2024}
- Express Delivery Service for Paskong Pinoy {Top Choice}
Transportify Ang Iyong Kasanga Para Sa Holiday Deliveries
Kung nais mong subukan ang mga negosyo tips na ibinahagi ng Transportify dapat simulan mo ito ng maaga. Ilang buwan na lamang bago ang pasko para siguraduhin at iplano ang buong magiging opersayon mo ngayong christmas rush. Magiging magandang stratehiya para sa iyo kung mag fofocus ka sa pagbenta at pag proseso ng orders mula sa iyong online shop at may isang logistics partner ka para isagawa ang mga holiday deliveries para sayo.
Simula nang pagdating ng Transportify sa Pilipinas, marami na itong mga negosyo at indibidwal na nasuportahan para sa mga deliveries sa kahit ano mang panahon. Sa ngayon, patuloy na lumalawak ang service area ng Transportify sa buong isla ng Luzon at Cebu. Mayroon narin silang interisland trucking services na gumagamit ng
RORO para maipadala ang produkto mula Luzon at Cebu papunta sa ibang isla ng Visayas at Mindanao. Kung nais pang may malaman sa serbisyo ng Transportify maaring kang magsend ng email sa business@transportify.com.ph.
or |
Frequently Asked Questions:
Ano-anung mga negosyo sa ang maraming deliveries tuwing christmas rush?
🎅 Maliban sa food service companies na nabanggit sa unang parte ng sulatin na ito, asahan ding ang pag taas ng demand sa retail at manufacturing. Itong mga industriya na ito ay dalawa sa pinkamaraming produkto na nilalabas tuwing pasko dahil iba rito ay mga damit, cosmetics, laruan at marami pa na madalas inireregalo ng mga Filipino sa kanilang mga kapamilya o kaibigan.
Anong sasakyan ang pwedeng gamitin kung maraming drop-offs ang aking holiday deliveries?
🎅 Dedepende ang laki ng sasakyan kung gaano kalaki ang iyong ipapa-deliver. Kung mag produkto mo ay hindi gaanong kalaki at hindi hihigit sa 300kg lahat, maaari mong i-book ang Sedan o MPV/SUV at maaari kang maglagay hanggat kinse na delivery destination. Kung sakali naman na may kalakihan na ang iyong mga produkto, maaari mong i-check ang L300/Van, Closed Van at 6w Fwd Truck kung ito ay akma sa pangangailangan mo.
Bakit mahalaga ang mga negosyo tips na nakasaad sa sulatin na ito?
🎅 Importante ang mga negosyo tips na ito para masiguro na magkakaroon ka ng maayos na operasyon sa isa sa pinaka-busy na pahanon sa buong taon. Importante ang kapaskuhan sa mag negosyo dahil ito ay nagbibigay ng maraming kita buhat ng pamimili ng mga tao.